top of page
Blog: Blog2
Search

We The Free: episode 46

  • AngAlex
  • Jan 20, 2019
  • 2 min read

ree

Introduction

Yo sup mga pre, nope hindi ito yung first episode ng pinagpaplanuhan kong series para sa We The Free. Isa lang itong Update Vlog dahil na miss ko talaga gumawa ng vlogs. At napaka interesting talagang gamitin yung camera ng kaibigan kong si David. Meron syang Nikon Camera DSLR na na fi flip yung screen sa harap mo. Kaya kahit nakaharap sakin yung camera pwedeng pwede kong maadjust yung composition na gusto kong makuha.


Episode 46: Update Vlog

Hindi ko talaga plano na mag focus sa pag vvlog at pagiging photographer. Gusto kong mag focus sa Comics/Manga. Dahil gusto ko din gumawa ng Comics Industry dito sa pilipinas at alam kong mahirap pero ayun. Ieexplain ko na lang sa susunod kong vlog, kung ano ano pa plano ko sa gagawin kong Comic Company.


Meron akong background sa paggawa ng films and videos. Simula pa lang nung high school ako sumali na ako sa short film competition at umabot ako sa regionals. Medyo nakakalungkot dahil wala man lang kaming award na natanggap pero naging thankful naman ako kase andami kong natutunan sa paggawa ng films at trailers. Lalo nat nagkaroon din ako ng pagkakataon na makakita ng mas magaling pa kesa samin. Nakakainis sa sobrang ganda yung mga short film ng kalaban ko, at dahil dun mas nainspire pa ko na gumawa pa. Yung time na yun, kasama ko dun si David Bacani. Ngayon si David Bacani, isa na syang professional photographer at videographer, at nakatayo na ng isang photo studio and services.


Medyo hindi pa naman ganun katagalan yung business nya pero, TRUST ME sobrang efficient na makuha nyo sya bilang photographer or videographer ng occasion or event nyo. Contact him @ facebook sa DSB Videos Photos.


Ayun nga bakit nga ba andito si David Bacani. Actually manghihiram lang talaga si David ng camera kay josh. Kinausap nya na din ako tungkol dito, gusto nya nga mag swap muna kami ng camera for just a day. Kaso di ako pumayag kase di naman akin yung camera. I mean hindi naman fully na sakin talaga yung camera. Parang inaalagaan ko lang tas gagamitin kapag kinakailangan.


Nasa bahay ako nila Joshua ng bigla syang dumating. Take note manghihiram sya ng camera kasi hindi pwede yung DSLR nya. Bakit kamo, ang bigat kase nun. Hihiramin nya sana yung GoPro ko. Tapos pumunta sya kela josh kase gusto nya mahiram yung Camera ni Josh. Nagkataon na nandun din ako. Medyo awkward kase hindi talaga ako pinapayagan na magpahiram ng gamit, lalo nat hindi sakin. Hindi nakahiram si David pero on a positive side nakagawa ako ng vlog at kanyang vlog na rin. Sa mga hindi pa nakakapanuod nung vlog na yun panoorin nyo. Ito yung Link : https://www.youtube.com/watch?v=SWQvQ9xSZQk

 
 
 

Comentários


bottom of page