top of page
Blog: Blog2
Search

Philosophical Question 2019 season 1

  • AngAlex
  • Jan 11, 2019
  • 2 min read


Introduction

Hi guys Happy New Year!!! Nuong January 2, 2019 nag post ako ng first episode ng Philosophical Question Season 1. Sa season na ‘to naglatag ako ng 9 episodes, binubuo sya ng 9 na concepts. So bawat episode may mga konsepto akong tinatalakay. Pero, ano nga ba ang Philosophical Questions? Ang Philosophical Questions ay isang podcast kung saan I shashare ko sa inyo yung mga experience at natutunan ko, o ng mga taong ma iinterview ko, ng sa ganun ay may matutunan ako at may matutunan din kayo sa akin hindi lang yun. Mag iinterview din ako para matutunan din natin sa kanila kung ano yung mga na experience nila na makakatulong satin para mag grow. Actually meron akong personal meaning para sa Philosophical Question. Ginagawa ko rin sya for therapy para sa akin, Sana maging magandang therapy din sa inyo ito para sabay sabay tayong maging mentally and emotionally healthy.


Ginagawa ko rin ito para malaman ko kung ano ng progress ko simula ng nagawa ko itong Podcast. Speaking of interview wala pa akong na interview nung episode 1, pero asahan nyo may maiinterview din ako sa mga iba pang episode.


Philosophical Question Season 1

Nuong bago pa lang mag bakasyon gusto ko na talagang bumalik sa paggagawa ng mga podcast. Sabi ko nga sa blog ko hindi malayong magawa ko agad yung philosophical question, at ito na sya. Nag start ako sa concept na Organize, dahil gusto kong I start yung 2019 ng may paghahanda at ng may confidence. Sobrang natutuwa ako at sa ngayon ay nagiging effective pa rin yung pagsalubong ko sa 2019 ng may plano at organized ang araw araw ko.

Abangan nyo pa yung episode na ipapalabas ko dahil hindi na sya basta basta podcast. May mga meaning ang bawat episode na gagawin ko. Kaya sana magustuhan nyo.

Bale kase sa ngayon nasa college pa rin ako kaya hindi ko sya maiischeduled ng maayos. May mga araw na magiging busy ako. May mga araw din na sa kalagitnaan ako ng paghahanda ng podcast tapos matitigil kase may mga urgent akong kelangang gawin. Kaya pag pasensyahan nyo na kung hindi kayo sanay sa hindi naka scheduled na broadcasting ng podcast ko. Ayoko din naman kase na susunod nga ko sa schedule kaso hindi naman napaghandaan ng maayos yung bawat episode na ginagawa ko.

Ayan nag start na ko sa concept na organize sana nagustuhan nyo. Kase hindi lang sya basta about organize. Sinabi ko rin dun kung ano maitutulong sa inyo yung pag oorganize sa araw araw, at kung bakit kailangan nyo rin mag organize. Pwede nyong mahanap yung podcast ko sa itunes at sa anchor.

 
 
 

Komentarze


bottom of page