top of page
Blog: Blog2
Search

Final Part ng Update Trilogy: Nubshell and Extrimity

  • AngAlex
  • Dec 22, 2018
  • 2 min read


Introduction

Ito na ang huling part sa Trilogy ng mga Updates. Paguusapan natin ang Original series ko na Nubshell at ang Cancellation ng Extrimity. Mababasa nyo ang first chapter ng Nubshell sa https://tapas.io/series/Nubshell at mabibili nyo ang mga iba pang chapters sa Diamond Turtle Studios ang dati kong pinagtatrabahuan. Sinubukan kong puntahan ulit yung website nila. Sa ngayon, ay down ang system ng website. Hindi ko alam kung bakit. Matagal na akong walang kibo sa kanila. Ang Diamond Turtle Studios ay isang Independent Multilingual net publishing company at ang tinatakbo nilang net - magazine ay ang Big Blue Jump. Overall na chapters na nagawa ko sa Nubshell ay Nine (9) at ang Extrimity naman ay dalawa (2) lang. Mabibili nyo din ang Extrimity sa Diamond Turtle Studios. https://www.facebook.com/BigBlueJump/


Nubshell at Extrimity

Nubshell, tungkol sya sa isang legendary hero na ang pangalan ay Nubshell. Sa fantasy world na kinabibilangan nya, tapos na ang Gerang bumalot sa mundo ng halos Isang Libong Taon (1000) ito ang tinatawag nilang Millenium Wars. Sa gitna ng kapayapaan ay nakilala nya ang isang prinsesa na tumakas sa kanyang kaharian. Ang prinsesa ay isang malaking dreamer, gusto nyang maging Treasure Hunter. Ngunit sa hindi nila inaasahan dumating ang isang delubyong nagpahamak pa hindi lang sa syudad nila kundi sa mundo. Kaya mas magandang basahin nyo na


Extrimity, Ang istoryang ito ay tungkol sa mga batang lalake na sinusubukan nilang maka survive sa isang post apocalyptic na mundo kung saan punong puno ng mga machines na pumapatay ng tao.


Ito ay isinulat ni Nagaku isang malapit kong kaibigan, High school classmate ko dati. Sya yung nagging dahilan kung paano ko nakilala ang Founder ng Diamond Turtle Studios at kung paano ako nagkatrabaho ng maaga. Sya rin ang dahilan kung bakit na ipublish ko itong dalawa.


Cancellation or Hiatus?

Hindi ko gustong magkaroon ng Hiatus ang Nubshell ang totoo nyan gustong gusto kong gawin ang Nubshell. Ito yung first time sa buhay ko, na pinaka mahabang series na nagawa ko sa buhay ko, sa ngayon. Hindi ko kase inaasahan na makakagawa ako ng nine (9) chapters ng Nubshell tapos halos masimulan ko na rin yung chapter ten (10) nung nakaraang taon. Kung ano yung dahilan ko sa We The Free at Philosophical Questions ay ganun din ang naging dahilan, kung bakit hindi ko nagawa itong naging malapit na sakin, na series kong ito. Sa tingin ko ayoko na rin ipagpatuloy pa ang Nubshell isasabay ko na rin sa Cancellation ng Extrimity at mag mo move on na ako sa panibago kong project, na sinisimulan ko ngayon. Pero ayoko rin mag desisyon ka agad. Pag iisipan ko muna ang lahat, dahil ang hirap nyang I let go lalo nat nasimulan ko na rin.


Tungkol naman sa Extrimity ay medyo naging unfair lang ang kasunduan namin ni Nagaku kaya nauwi sa Cancellation. Pero magkaibigan pa rin kami, hindi na nga lang kami nag uusap ngayon sa dahilan na madami na akong pinagkakaabalahan sa buhay. Baka next time magkita ulit kami or mag chat ulit sa magiging susunod namin na project.


Alam nyo kung anong mas maganda kung mabibili nyo ang aking Nubshell at ang gawa namin ni Nagaku sa Diamond Turtle Studios. Sana magustuhan nyo !!

 
 
 

Comments


bottom of page