top of page
Blog: Blog2
Search

Update Trilogy 002: Hiatus ng Philosophical Questions

  • AngAlex
  • Dec 22, 2018
  • 1 min read

ree

Introduction

Welcome sa part two ng Trilogy Update. Bale ngayon paguusapan naman natin ang aking Podcast, ang “Philosophical Questions”. Straight to the point yung title kung ano ang balak ko sa podcast, yun na mismo iyon. Nagpapasa ako ng aking podcast through Anchor application tapos throughout this ay napupunta rin sila sa ibat ibang website tungkol sa mga podcast.


Philosophical Questions

Ang Philosophical Questions ginawa ko sya dahil merong conversation kami ni Zai Bautista, Josh Shawn at Rica Gui na sobrang importante hindi ko napigilang gumawa ng podcast. Wala talaga akong balak gumawa ng podcast pero para sa akin importante talaga yung conversation namin. Ang Podcast din para sa akin ay para syang therapy. Isa ako sa mga tao na gusto lang makarinig ng conversation tapos na rerelax na ko hanggang sa mauwi na sa pagtulog. Dahil tungkol sya sa mga Philosophy ng bawat tao, I mean tungkol sya sa mga pinaniniwalaan ng tao (namin), sa palagay ko nakakatulong din ito para mapalawak pa yung ideas or kaalaman ng isang tao. Basically mahilig ako sa Philosophies, kaya nagawa ko ‘tong Podcast.


Bakit nga ba nagkaroon ng Hiatus?

Mahilig ako sa philosophy, mahilig rin akong I share yung mga natututunan ko sa buhay ko. Throughout dito makakatulong talaga sya sa akin at sa inyo.


Wala namang technical difficulties, kulang lang sa preparation. Actually nakikita ko ngayon pa lang na hindi ganun katagal ang Hiatus ko sa Philosophical Questions. Ang problema lang talaga ay ang pagpaplano ng mga concepts every episode. Nagkaroon lang ng Hiatus dahil marami talaga akong ginagawa, dahil yun nga. College Life.


Dahil wala namang masyadong Technical Difficulties madadalian akong gawin itong podcast kunting pagpaplano lang. Kaya Stay Tuned.

 
 
 

留言


bottom of page