Update Trilogy 001 : We The Free's Hiatus
- AngAlex
- Dec 22, 2018
- 2 min read

Introduction
So bale gagawin ko itong Trilogy ng mga Updates ngayong araw. Ito ang unang part ng Trilogy at ito ay tungkol sa Hiatus ng We The Free!
Sa inyo na hindi pa nakakaalam kung ano ang “Hiatus”. Ang ibig lang sabihin nun ay mahabang pagpapahinga. At magsosorry na ko sa inyo sa pinangako naming daily vlogs. Ang totoo nyan nagkaroon ng technical difficulties sa paggawa ng daily vlogs, kaya sorry talaga sa mga nag eexpect sa daily vlogs. Ako at yung mga kasama ko sina Josh Shawn, Nj Pragas, Zai Bautista, Rica Gui, Ardean Kaede at iba pa ay nagging busy na sa sari sarili naming buhay, lalo na ako. Dahil yung mga araw na iyon ay kelangan ko ng maging busy sa College life dahil isa akong Student Council.
We The Free
Ang We the Free, una talaga nyan ay normal na compilation lang sya ng mga videos na tinawag kong Vlog. Hanggang sa tinawag ko syang meek, dahil akala ko wala pang word na ganun kaya binigyan ko sya ng sarili kong meaning kaso, yun pala meron na. Tapos kinalaunan tinawag namin ni Josh ito na We The Free. Gagawa na lang ako ng separate na blog para mas ma explain ko pa ang history ng We The Free.
Ano nga ba ang We The Free. Actually para sa akin hindi ko pa alam sa ngayon. Si Josh sabi nya sa akin isa itong Youtube videos kung saan pinapakita namin ang natural na spirit ng isang kabataan, dapat. Pero para sa akin meron pa as in hindi lang sya basta about spirit.
Bakit Nagkaroon ng Hiatus
Ngayon kung bakit ayaw ko munang gumawa ng We The Free videos ay dahil gusto kong maglagay pa ng malalim na meaning sa bawat episode na narerealease namin hindi lang sya basta compilation. Isa pa ay nawala ko yung isang SD Card ko kaya hindi talaga ako makapag gawa ng episodes. (Sa tingin ko realistically ito yung totoong dahilan, pero hindi). Ngayon gusto kong pagplanuhin pa sya ng maayos, prepared sya ng maayos at ginawa sya ng maayos. Gusto kong I-Up yung Youtube Game ko sa paggawa ng videos.
Una gagawin ko itong isang season. Tratratuhin ko sya na parang documentary. Oo, na try ko ng gumawa ng documentary pero hindi ko rin sya pinaghandaan ng maayos nuon. Bale ang buong plano ay story driven bawat episode at the same time may patak ng documentary at entertaining na story structure, na may style. Kaya sana abangan nyo ang panibagong season ng We The Free. Mag susulat din ako ng susunod pa na Update para sa future ng We The Free.
P.S. Pag pray nyo rin na maaga ako maka bili ng SD Card. Or regaluhan nyo ko hehe.
Comments